Friday, February 5, 2016

Bawi

Bigyan mo ako ng dahilan
para bawiin ang oo
na aking binalewalang pakawalan.

Bigyan mo ako ng dahilan
para tanggalin ang litrato mo
sa aking pitaka.

Bigyan mo ako ng dahilan
para sunugin ang iyong mga sulat
na aking kinimkim.

Bigyan mo ako ng dahilan
na iwanan kita at wag na kitang
mahalin.

No comments:

Post a Comment