Friday, February 5, 2016

Si Carlo

Halos mabilaukan nang mukha niya'y
aking nasilayan. Ang hotdog na aking ninanamnam
ay nag-ugat sa aking lalamunan. Ayaw magpatangay
sa Coke na aking nilaklak. Mata ko'y
sumara hupang huwag makita ang mukha na
maaaring magdulot sa akin ng kahihiyan.

Ngunit dahil sa isang malakas na
pag-ubo, nabuklat ang aking pikit-pilit
na mata at nakita ko ang kumikinang
na kaguwapuhan ni Carlo bago ito
natalsikan ng aking
kahihiyan.

No comments:

Post a Comment